Sikat ba s'yang artista, bakit ayaw n'ya magpakita?
Kriminal ba s'ya, bakit ayaw n'yang lumantad?
Takot ba s'ya sa tao, bakit ayaw n'ya magpakilala?
Wala naman sigurong nag-iisip ng ganito, natural naman sa komunidad ng blogging and 'di lantarang pagpapakilala. Depende na lang siguro sa kung ano'ng habol mo. Ang iba kasi, gusto sumikat kaya tinatadtad ng sariling mukha ang blog (kulang na lang maging photoblog ng sarili, bakit 'di na lang fan site?). Hindi naman sa 'di ko gusto ang ginagawa nila, sadyang 'di ko lang talaga trip ang trip nila. :)
Gusto ko rin naman sumikat. Pero hindi sa paraan ng pagbebenta ng mukha (kung magbebenta ako ng mukha, mababa ang value, walang bibili).
Meron
IKALAWA:
Ayoko limitahan ang sarili ko sa kung anong gusto/dapat/maaari kong isulat. Para na rin sa kapakanan ng katauhan ng kung sino man ang mababanggit ko (kahit pa palitan ko ang pangalan nila) at para na rin sa sarili ko. Maliit lang ang Blogosphere, baka mapadaan sila at mabisto ako. :)
UNA:
Pakiramdam ko ay wala nang elemento ng mystery sa pagkatao ko.
My life is an open book. From head to toe, from personality to lovelife to ideologies. Parang isang papel na punung-puno ng sulat at wala nang space para sa isang question mark. Hindi naman sa hindi ko ginustong maging
Sana nasagot ko kung sakali man maitanong mo kung sino si MASKED MAN (o kung bakit ayaw n'ya magpakilala).
Maaari kang dumaan anong oras mo man gustuhin. Pumasok ka lang at maghalughog, wala kang makikitang hindi mo gusto. Dito kung saan ang tanging estranghero ay ako, si MASKED MAN.